Magsara Ka Na!

Lintik! May pinuntahan akong tindahan kanina tapos ang sungit nung instik na may-ari.  Naglaba kasi ako tapos naisip kong mag-ikot muna para pampatanggal ng antok.  Napadaan ako sa tindahan nya dahil sa lahat ng tindahan sa lugar na iyon sila lang ang bukas.  Maliit lang yung tindahan nya at masikip pa pero puro mumurahin ang benta.  Natuwa ako dahil may maliliit na nakakatuwang bagay na 99 cents lang. 

Habang pumipili ako ng plastik na food keeper, padaan-daan sya sa tabi ko.  Hindi ko naman pinansin dahil akala ko nag-aayos lang sya ng paninda.  Nung babayaran ko na yung pinamili ko, may sinasabi sya sa kasama nyang instik na sa tingin ko’y tungkol sa akin.  Nung binigay na nya yung sukli ko, sabi nya sakin: "too long shopping."  Nainis ako.  Sa isip ko, "anong problema mo dun?"  Kaya nung palabas na ako, sabi ko sa kanya:  "kung ayaw mong pumasok at tumingin-tingin yung mga tao dito, magsara ka na!"  Nanlaki yung singkit nyang mata at nagtataka kung anong sinabi ko.  Tinaasan ko sya ng kilay habang ako’y palabas na sa kanyang munting tindahan. 

3 Responses to “Magsara Ka Na!”

  1. Wilma Says:

    sana dinukot mo yung mata….

    ewan ko lang kung sino ang mas lugi, ikaw o sya, hahahaha….

  2. Mildred Says:

    Grace, I must say, I’d like to read another one of your Tagalog entries. You should write in Tagalog/Pilipino again. Rockin’ ang language mo. :)

  3. gin's lamp Says:

    i love your Tagalog entry. Katuwa! :-) Peste sya!

Leave a Reply